27 March 2015 - Mariin pong inuulit ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang panawagan nito sa lahat ng Pilipino sa Yemen na agad nang umalis ng bansa. Sa Alert Level 4, handa ang Embahada na bayaran ang anumang multa ng mga lumipas na visa at bigyan ng tiket ang lahat ng pauwi sa Pilipinas

Patuloy ang pagtawag, pag-text at pag-email ng Embahada sa lahat ng Pilipino sa Yemen upang iparating ang mensaheng ito.

Sa mga hindi pa nakatanggap ng tawag o text, marapat na magparehistro sa numerong 730187540, 737426292, 733844958, 730194165 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .  WAKAS