DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS 
P R E S S  R E L E A S E
www.dfa.gov.ph                                                                                           2330 Roxas Blvd., Pasay City, Philippines                                                                                 Tel. No. 834-4000 

SFA-AGR-336b-06                                                                                                                                                                                                                             03 May 2006

PALUGIT UPANG MAKUHA ANG GULF WAR CLAIMS, INANUNSIYO NG DFA

Ika-2 ng Mayo, 2006 – Ipinahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) na itinakda ng United Nations Compensation Commission (UNCC) Governing Council, sa kanilang ika-limampu’t anim na Session sa Geneva, ang ika-30 ng Setyembre, 2006 bilang huling deadline sa paghahanap at pagbabayad sa Gulf War claimants na naapektuhan ng digmaan sa Iraq at Kuwait noong taong 1990 at may aprubadong claims mula sa UNCC.

Ayon kay Secretary General Minda C. Cruz ng Philippine Claims and Compensation Committee Secretariat (PCCCS), na batay sa talaan ng PCCCS  mayroon pang Gulf War claimants na hindi pa nakikipag-ugnayan sa PCCCS sa kabila ng pagpapadala sa kanila ng mga liham, malawakang pagkalat ng impormasiyon sa Pilipinas at sa ibang bansa, at pakikipagtulungan ng mg Embahada at Konsulado ng Pilipinas.  Nananawagan ngayon si Secretary General Cruz sa mga taong ito na makipag-ugnayan sa PCCCS sa lalong madaling panahon.

“Kinakailangang silang makipag-ugnayan sa PCCCS bago ang itinakdang palugit ng UNCC sapagkat pagkaraan ng ika-30 ng Setyembre, 2006, hindi na tatanggap ang UNCC ng anumang hiling ng Pilipinas upang maibalik ang pondo para sa kompensasyon ng mga aplikanteng aprubado ng UNCC,” ani Secretary General Cruz.

“Nananawagan ang PCCCS sa lahat ng mga OFW na naapektuhan ng digmaan noong 1990 sa pagitan ng Iraq at Kuwait, at may aprubadonq claims sa UNCC na tawagan ang PCCCS sa bilang na 832-5303 o magsadya sa aming tanggapan sa ikatlong palapag ng DFA sa Pasay City bilang panigurado na sila ay nasa listahan ng UNCC ng mga may aprubadong claims,” dagdag ni Secretary General Mrs. Cruz.

Ipinaliwanag ni Secretary General Cruz na ang bawat Gulf War claim ay bayad sa gastusin ng OFW sa kanyang paglikas mula Iraq o Kuwait, at sa kanyang mga  personal na gamit na nawala dahil sa digmaan.

Ang mga pangalan ng nasabing Gulf War claimants na pinananawagan ng PCCCS ay nakatala sa sumusunod na dokumento. END
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

/jay